-- Advertisements --

Mayroong dalawang atleta pa ng bansa ang pasok sa Paris Olympics.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na kasama na sina gymnast Jung-Ruivivar at rower Joanie Delgaco.

Si Jung-Ruivivar ay nagkamit ng silver medal sa uneven bars ng FIG Artistic Gymnastis World Cup na ginanap sa Doha na may sapat na puntos para makasali sa Olympics.

Siya rin ang pangatlong gymnast ng bansa na maglalaro ngayong taon sa Paris Olympics kasama sina Carlos Yulo at Aleah Finnegan.

Sa mga nagdaan ay nirepresent ni Jung-Ruivivar ang US pero noong Setyembre 2023 ay nagpasya ang 17-anyos na Pilipinas na lamang ang irepresent niya.

Isang Pilipino ang ama nito at siya ay isinilang sa Hawaii.

Nitong Linggo naman ay nagtapos sa pang-apat na puwesto si Delgaco sa 2,000 meters ng women’s single sculls sa World Rowing Asian and Oceana Olympics and Paralympic Qualification and Asian Rowing Cup na ginanap sa Chungju, South Korea.

Sa kabuuan ay mayroong 11 na Filipino ang kalahok sa Paris Olympics na magsisimula sa Hulyo na ito ay kinabibilangan nina pole vaulter EJ Obiena; boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; at weightlifters Vanessa Sarno, Erleen Ann Ando at John Febuar Ceniza.

Ang weightlifter na si Rosegie Ramos ay unofficially 12th Filipino na kuwalipikado para sa Paris dahil hinihintay pa ang anunusiyo ng International Weightlifting Federations.