CAUAYAN CITY- Tuluyan nang idineklarang drug cleared ang karagdagang dalawang barangay ng mga kasapi ng Phil. Drug Enforcement Agency region 2.
Ang pagkakadeklarang drug cleared ng mga barangay ng Calao West at Barangay Salvador ay dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, Station one ng Santiago City Police Office, PDEA region 2 at mga pinunong Lokal ng Santiago City.
Ang dalawang barangay ay mahigpit na isinailalim sa pagsusuri upang matiyak na wala nang nagsasagawa ng operasyon ng illegal na droga sa nasabing mga barangay.
Mula sa 18 barangay na nasasakupan ng Station one ay naideklara nang drug cleared ang barangay San Andres, Cabulay, Abra, Nabuan , Calao West at Barangay Salvador.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Reynaldo Maggay, Station Commander ng Station one ng SCPO na nagpapasalamat sila sa lahat ng mga nagpursigi upang maideklarang drug cleared ang karagdagan pang dalawang barangay na kanilang nasasakupan.