Target ng Philippine Navy na makabili ng 2 pang corvette warships at 6 na patrol vessels sa ilalim ng modernization program.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nasa $35 billion o mahigit P2 trillion ang inilaan para sa “Re-Horizon 3” o ikatlong bahagi ng AFP Modernization Program.
Ang naturang mga vessel ay may iba’t iba aniyang kapasidad gaya ng cyber, command at control capabilities, sea, air at land capabilities.
Matatandaan, nilagdaan ng Department of National Defense ang P28 billion na kontrata sa South Korean company para sa pagbili ng 2 modernong corvettes para sa Philippine Navy.
Ang pagbili ng bagong mga sea assets ng military ay sa gitna ng tensiyon sa disputes waters saklaw ang West Philippine Sea kung saan ang pinakahuling insidente ay ang pambobomba ng tubig ng China Coast Guard ng water cannon sa barko ng Bureau of fisheries and Aquatic Resources na BRP Datu Pagbuaya sa bisinidad ng Bajo de Masinloc.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng PH Navy ang patuloy na pagpapatroliya sa WPS.