-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Inaasahan na ng mga otoridad sa Spain na magkakaroon ng dalawa pang waves ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) kung saan isang taon at kalahati pa sila muling makakabalik sa normal.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international corrrespondent Eva Tinaza, OFW sa Spain, sinabi niyang ang mga tao doon ay parang binabaliwala lang ang Pandemic kung saan makikita sa labas ang karamihang hindi nagsusuot ng mask at hindi nag-ooberba ng social distancing kahit pa pataas ang kaso ng Covid-19 sa nasabing bansa na umaabot na sa 268,143 at 26,744 na ang naitalang namatay.

Libo-libo pa ang infected pero walang sintomas ng nasabing sakit ayon sa survey ng health officials ng Spain.

Plano nilang suriin pa ang nasa 60,000 hanggang 90,000 pang mga residente.