Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang modular hospitals sa Quezon Institute compound.
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, ang dalawang ospital ay may total capacity na 44 beds at pinapangasiwaan ng medical teams mula Department of Health at Jose Reyes Memorial Medical.
Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing ospital ay para sa mga “moderate to severe COVID patient”.
Aniya, nagsagawa na ng ocular inspections sa ospital ang DPWH task force na pinapangunahan ni Undersecretary Emil Sadain.
Sa isinagawang inspection, dalawang dormitories naman ang na-turn over para sa mga personnel kung saan may total capacity ito na 64 beds.
Asahan naman ang karagdagang mahigit tatlong modular hospitals para sa COVID patients sa Pebrero 2021.