-- Advertisements --
Nadagdagan pa ng dalawang gold ang medalya ng Pilipinas sa larangan ng Arnis na ginaganap sa Angeles University Foundation (AUF) Sports and Cultural Center.
Ibinulsa ni Crisamuel Delfin ang unang gintong medalya sa anyo non traditional open weapon.
Pumangalawa sa event si Sila Chhem mula Cambodia habang bronze medalist naman ang pambato ng Myanmar na si Yar Zar Tun at Van Huynh Ngo ng Vietnam.
Samantala sa women’s division nanaig din ang Pinay na si Mary Allin Aldeguer.
Silver medalist naman si Thi Hoai Trieu ng Vietnam at third place sina Naing L Sheilar Min at Soumala Eng ng Cambodia.
Sa ngayon 14 gold medals na ang nasungkit ng Pilipinas sa larangan ng Arnis.