-- Advertisements --

Itinalaga ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang dalawa pang bagong opisyal ng ahensya upang makasama nito sa pagsusulong ng mga repormang ipatutupad ng DA.

Kabilang sa mga nabigyan ng pagkakataong maging opisyal ng DA ay sina Atty. Alvin John Balagbag na isang corporate lawyer.

Si Balagbag ay itinalaga bilang bagong Chief-of-Staff ng kalihim at DA Undersecretary.

Pinangalanan na rin ni Sec. Laurel si Engr. Roger Navarro bilang Undersecretary for operations ng ahensya.

Nilagdaan din ng kalihim ang appointment ng ilan pang kinatawan ng technical working group hinggil sa implementing rules and regulations ng Internet Transaction Act of 2023.