-- Advertisements --
Iloilo cadaver PCG search
Photo by Bombo Chris Jan Lozada aboard the BRP Cape Engaño

ABOARD BRP CAPE ENGAÑO – Pumalo na 30 ang narekober na bangkay mula sa tatlong tumaob na bangka sa Iloilo Strait.

Ito’y matapos marekober ang dalawa pang bangkay ng lalaki sa baybayin ng Dumangas, Iloilo.

Ang nasabing mga bangkay ay inaagnas na o nasa state of decomposition.

Ang unang bangkay ay nakasuot ng navy blue na damit at dark gray na short.

Habang ang isang bangkay naman ang nakasuot ng dilaw na t-shirt, light blue na short at may itim na relo.

Iloilo PCG rescue
Search and rescue ops in Iloilo Strait (photo by Bombo Chris Jan Lozada)

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Junior Grade Cheribel Pugong, deck gunnery officer ng Barko ng Republika ng Pilipinas Cape Engaño, ng Philppine Coast Guard Western Visayas, sinabi nito na ang mga naturang bangkay ay itu-turn over sa Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office upang maki

Sa ngayon tatlo na lang ang missing na mga pasahero.

Samantala pansamantala namang ititigil ang search ang retrieval operations bukas dahil sa inaasahang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Iloilo at sa lalawigan ng Guimaras. (with reports from Bombo Chris Jan Lozada)

Iloilo coast guard team boat
PCG personnel during the search and rescue ops in Iloilo Strait (photo by Bombo Chris Jan Lozada)