BUTUAN CITY – Dalawang miyembro na naman ng kumunistang New People’s Army o NPA ang boluntaryong sumuko sa 26th Infantry “Ever Onward” Battalion sa Brgy Zamora, Talacogon, Agusan del Sur.
Ang nasabing mga NPA member na parehong residente ng Brgy Baylo, Don Alejandro, San Luis, Agusan Del Sur ay nakilalang sina alyas Junjie, team leader, at alyas Johnyfer galing sa team ABE Squad 1, Platoon 1 sa Regional Regular Guerilla Unit (RRGU) sa North Central Mindanao Region (NCMR) na kumikilos sa Probinsiya ng Bukidnon.
Sumuko ang mga ito matapos nakakita ng pagkakataon na tumakas sa kanilang mga kasamahan.
Tiniyak naman ni Lt Col Romeo C Jimenea, Commanding Officer ng 26th Infantry Battalion, Philippine Army na magiging benepisyaryo ang dalawa sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang matulongan sa kanilang bagong buhay.