-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Dalawa sa siyam na missing na mga crews ng LCT Cebu Great Ocean barge ang natagpuan kaninang alas-singko ng umaga matapos mapadpad sa baybayin ng Purok 5, Brgy. Oslao, sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Coast Guard Station Surigao del Norte commanding officer Elaine Pangilinan na dahil dito pito na lang ang kanilang hahanapin habang anim na ang kabuuang bilang ng narekober na ang mga bangkay at pito pa rin ang survivors.
Kahit apat na araw ng missing ang pitong pinaghahahanap, umaasa ang opisyal na buhay pa rin silang makikita.