-- Advertisements --

MANILA – Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga Pilipinong gumagaling sa COVID-19 habang nasa ibang bansa.

Batay sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), as of June 19, nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga Pilipinong gumaling matapos tamaan ng coronavirus. Kaya umakyat na sa 12,096 ang total recoveries.

Mula ito sa 20,424 na total confirmed cases. Ayon sa DFA, dalawang Pilipino ang bagong tinamaan ng COVID-19.

Wala namang naitalang bagong namatay sa sakit, at nananatili sa 1,220 ang total deaths.

Naitala ang mga Pilipinong COVID-19 cases sa 94 bansa at teritoryo.

Pinakamarami sa 35 bansa ng Middle East/Africa region na nasa 11,532. Sumunod ang mga bansa sa 25 bansa ng Asia-Pacific na nasa 4,376.

Habang 3,530 ang naitalang kaso ng mga Pilipino sa 21 bansa sa Europe; at 986 sa 13 bansa sa Americas region.