-- Advertisements --

Lumundag na sa siyam ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa coronavirus disease sa Singapore makaraang dapuan na rin ng COVID-19 ang dalawa pang mga Pinoy.

Tinukoy ng Singapore Ministry of Health ang panibagong dalawang Pilipinong pasyente bilang Case No. 205 at 211.

Si Case 205 ay isang 30-anyos na babae na Singapore Long Term Visit Pass holder na umuwi sa Pilipinas mula Pebrero 27 hanggang Marso 6.

Habang si Case 211 naman ay isang 35-anyos na babae na nauugnay sa naunang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.

Kasalukuyang nananatili ang dalawa sa National Centre for Infectious Diseases (NCID).

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health ng Pilipinas, isang Pilipino pa lamang na tinamaan ng COVID-19 sa Singapore ang nakarekober na mula sa sakit.