Nakatakdang kasuhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang dalawa pang suspek na sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Ayon kay PNP-AKG director, SSupt. Glen Dumlao na dalawang bagong pangalan ang kasama sa kaso kabilang din umano ang mga ito sa mga itinuturing na principal suspek sa kaso
Tumanggi si Dumlao na kumpirmahin kung ang mga ito ay mula sa NBI.
Tukoy na rin umano nila ang sinasabing “Go Between” na Koreano din sa pagitan ng sindikato at asawa ni Jee Ick Joo.
Ayon kay Dumlao ay kanilang na itong tinatrabaho kasama ang kanilang counterpart mula sa Korean National Police Agency.
Ang mga naunang pinangalanan sa kaso ay sina PSupt. Rafael Dumlao, SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at PO2 Christopher Baldovino, Barangay Chairman Ricardo Ding Santiago ng Gream Funeral Services sa Caloocan City at Jerry Omlang na isa umanong asset ng NBI.