-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na pumatay sa mamamahayag na si Eduardo “Ed” Dizon sa Kidapawan City.

Una nito, kusang sumuko sa mga kapulisan si Sotero “Jun” Jacolbe bago pa isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 61 laban sa kaniya.

Liban kay Jacolbe, itinuturo ring suspek sa krimen ay sina Dante Tabusares alyas Bong Encarnacion, at Junell Gerozaga na nananatiling at large.

Sa ngayon, inilabas na ang warrant of arrest laban sa dalawang mga suspek sa pagpatay.

Kung matatandaan, binaril si Dizon habang pauwi sana mula sa kaniyang trabaho noong buwan ng Hulyo.

Naging target umano ng mga suspek si Dizon dahil sa matatapang na komentaryo nito laban sa kontrobersiyal na Kapa Ministry member.