-- Advertisements --

Dalawa pang posibleng testigo ang nais makipag-usap kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Layunin ng mga ito na magbigay ng testimonya ukol sa mga iligal na aktibidad sa New Bilibid Prisons (NBP).

Hangad ni Sotto na ituloy ng dalawa ang pagbibigay ng pahayag para sa ikaaayos ng Bureau of Corrections (BuCor).

Una nang humarap sa Senate inquiry sina Godfrey Gamboa at common law wife nito na si Yolanda Camilon, para sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA) for sale.

Habang sumalang din bilang testigo sina dating Valencia, Bukidnon Mayor Jose Galario at anak nitong si Greizl Fernandez, para sa isyu ng hospital pass for sale at ilan pang iligal na gawain sa pagamutan ng NBP.