-- Advertisements --

Muling nakapagtala ang Phivolcs ng dalawang pagbuga ng abo kaninang umaga lamang mula sa Mt. Kanlaon.

Batay sa inilabas na data ng ahensya, ang ash emission ay nangyari kaninang alas-10:08 AM hanggang 10:12 AM at 10:14 AM hanggang 10:17 AM.

Ang naturang pangyayari ay nakalikha ng 100-150 meters plume mula sa summit crater.

Napadpad naman ito sa kanlurang direksyon na naobserbahan sa Kanlaon Volcano Observatory (KVO).

Sa ngayon, nananatili ang Alert Level 3 sa Kanlaon Volcano.

Dahil dito, mahigpit na pinagbabawalan ang publiko na pumasok sa anim na kilometrong danger zone.