-- Advertisements --
ILOILO CITY – Pahirapan ngayon ang ginagawang contact tracing matapos nakasalamuha ng pari na index case ng COVID-19 sa Antique.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Antique Governor Rhodora Cadiao, sinabi nito na sa ngayon dalawang pari na at 27 mga seminarista ang nahawaan ng COVID-19 sa St. Peter’s Seminary sa San Jose de Buenavista, Antique.
Ayon kay Cadiao, dalawa ang tinitingnan nilang dahilan ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa nasabing seminaryo.
Una ay nakaclose contact ng pari ang isang COVID-19 positive sa sabungan na super spreader ng virus sa lalawigan at ang ginawang salo salo ng mga pari kung saan isa sa kanila ay may sintomas ng nasabing sakit.