-- Advertisements --

Sugatan ang dalawang pasahero ng eroplano matapos na tamaan ng severe turbulence.

Naganap ang insidente ng ang Air New Zealand Flight NZ607 mula Wellington patungo sa Queenstown ay biglang tamaan ng turbulence.

Isang pasahero ang nagpaso mula sa tumilapon na mainit na kape habang na isang crew member ay tumama ang ulo sa kisame ng eroplano.

Dinala na sa mga pagamutan ang mga sugatang biktima.

Tiniyak naman ng airline companies na kanilang babayaran ang mga sugatang pasahero.