-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ng Batac City na nakarekober na ang dalawang pasyente na unang nagpositibo sa coronavirus disease sa Ilocos Norte.

Base sa statement ng hospital, nakalabas na ang dalawang asymptomatic patients.

Dalawang beses din na negatibo ang resulta ng mga pasyente mula sa isinagawang test sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Unang kinumpirma ng hospital noong Marso 31, ngayong taon nang magpositibo sa COVID-19 ang dalawang pasyente matapos lumabas ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).