LA UNION – Patay ang naka-motorsiklong construction worker habang kritikal naman ang kondisyon ng isang tricycle driver matapos silang sagasaan ng isang mabilis na closed van sa diversion road ng Barangay Bangcusay, San Fernando City, La Union.
Idineklarang patay na nang makarating sa pagamutan si Jamel Casuga, 20-anyos, binata, construction worker, at residente sa nasabing barangay dahil sa tinamong matinding sugat sa katawan.
Kritikal naman ang kondisyon ng tricycle driver sa isang pribadong ospital sa syudad.
Napag-alaman ng Bombo Radyo La Union kay Ranie Casuga, ama ng biktima, na agad tumakas ang respondent driver matapos ang aksidente.
Samantala, patay din ang isa pang rider matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa malaking bato sa gilid ng kalsada sa Barangay Ribsuan, Naguilian, La Union .
Nakilala ang biktima na si Wilfred Dacumos, 38-anyos, residente ng New Poblacion, Burgos, La Union.
Base sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo La Union mula sa Naguilian Police Station, posibleng mabilis ang pagmamaneho ng biktima, kung kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa malaking bato.