-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa bakbakan ng magkaaway na pamilya sa lalawigan ng Maguindanao.
Apektado ng engkwentro ng magkaaway na grupo ang Barangay Pageda at Gadungan Talitay Maguindanao.
Dalawa na ang napaulat na nasawi at isang sibilyan ang nasugatan nang tamaan ng ligaw na bala.
Nadakip rin ng mga tauhan ni Talitay Mayor Montasir Sabal ang isang Renteng Mamukaw na sangkot sa kaguluhan.
Ang dalawang pamilya ay pawang armado ng matataas na uri ng armas dahil mga myembro umano ng isang Moro Front.
Kumilos na ang tropa ng militar at pulisya para matigil ang engkwentro ng magkaaway na pamilya.