-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dalawa ang nasawi at isa ang nasugatan sa pag-atake ng mga armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Mujahed Dilanggalen at Kudo Umla sugatan naman si Nautan Alo,mga residente ng Brgy Rajamuda Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,P/Major Mautin Pangandigan na habang natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay ay pinasok ito ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan at pinagbabaril gamit ang M16 armalite rifles.

Tumakas naman ang mga suspek nang matunugan nito ang paparating na mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Patay on the spot ang dalawa nang magtamo sila ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan at naisugod naman sa pagamutan si Alo.

Sa ngayon ay may mga grupo nang iniimbestigahan ang Pikit PNP sa pamamaril sa mga biktima.