KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring magkasunod na pamamaril sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat.
Kinilala ni Police Capt. Herman Luna, hepe ng Lambayong PNP ang mga nasawi na sina Jamilton D. Ali, 23, isang negosyante at Gilbert Mateo, nasa legal na edad at kapwa residente ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.
Samantala ang sugatang biktima ay kinilalang si Mark Anthony Sia na patuloy na ginagamot ngayon sa ospital.
Naniniwala si Luna na gun for hire ang riding in tandem na may kagagawan sa krimen dahil siniguro ng mga ito na patay ang dalawa sa mga biktima.
Nakuha naman sa crime scene ang empty shell ng caliber 45 na ginamit ng mga suspek.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa mga biktima.