CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawa katao sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.
Unang nasawi si Munward Jordan Imam,20 anyos at sugatan si Cristel Mangubat ,19 anyos,mga dalaga.
Ang dalawa ay sakay ng traysikel sa bahagi ng Boliao 1 Supermarket Mother Barangay Poblacion Cotabato City ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Samantala,patay rin ang isang Arven Facturan Ponce,36 anyos,may asawa,dating preso at residente ng Purok pagkakaisa Barangay Poblacion 2 ng syudad.
Ayon kay CCPO Police Station 1 Commander Major John Vincent Bravo,nakaupo lamang ang biktima sa harap ng isang sari-sari store nang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril ng maraming beses gamit ang kalibre.45 na pistola.
Naisugod ang biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa magkasunod na pamamaril.