-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dalawa ang nasawi sa nangyaring pananambang dakong alas-6:15 kagabi sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Orlando Santos, Timuay (chieftain ng mga Teduray) at kanyang anak na si Michael Santos habang sugatan si Kimboy Fernalino, mga residente ng Brgy Saniag, Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Ampatuan chief of police, Major Gilbert Acorbo, lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Brgy Saniag, Ampatuan at papauwi na ng kanilang tahanan nang tambangan sila ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Dalawa sa mga biktima ang nasawi at isa ang naisugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pananambang.