GENERAL SANTOS CITY – Nauwi sa areglo ang nangyaring banggaan ng pampasahrong utility van at wing van na nangyari sa Purok Agdao, Brgy. Talus, Malungon Sarangani Province noong nakaraang araw na kumitil ng dalawang buhay at 10 ang sugatan.
Ayon kay PLt. Jose Tabucon Jr., Deputy Chief ng Malungon Municipal Police Station, hindi interesado ang pamilya ng dalawang biktima na nasawi para sampahan ng kaso ang driver ng wing van matapos silang magkasundo.
Sa imbestigasyon na mabilis umano ang pagpapatakbo ng utility van at pagdating sa Brgy. Talus ay nawalan umano ito ng preno at bumangga sa wing van na nakaparada lamang at mayroong early warning device.
Ang wing van ay may karga na mga soya feeds.
Ibinunyag ni Tabucon na kinapanayam niya ang driver ng utility van na tumanggi na ito ay nakainom habang nagmamaneho.
Samantala, nilinaw naman ng opisyal na dalawa lamang at hindi apat ang namatay sa banggaan.