-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao habang sugatan ang 12 iba pa sa naganapa na pamamaril sa North Carolina.
Ayon kay Deputy Chief Johnny Jennings ng Charlotte-Mecklenburg Police , naganap ang insidente sa isang “impromptu block party” kung saan ilang armadong kalalakihan ang nagpaputok ng baril.
Dinala agad sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Dagdag pa nito na ang kasiyahan ay isang extension ng pagdiriwang ng Juneteenth.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon.