-- Advertisements --
FULLERTON, California, USA — Patay ang dalawa katao at 18 ang nasugatan nang bumagsak ang maliit na eroplano sa isang gusali sa Fullerton, California.
Nagdulot ng sunog ang pagbagsak, at nasira ang isang bodega na may mga makinang panahi at mga tela.
Ang gusali ay inookupahan ng isang pagawaan kaya may mga tao sa lugar.
Sampung tao ang dinala sa ospital, samantalang walo ang ginamot sa lugar ng aksidente.
Hindi pa batid ang uri ng eroplano at kung ang mga nasugatan ay nasa eroplano o nasa lupa.
Sa kuha sa security camera ay ipinakita ang pagbagsak ng eroplano malapit sa Fullerton Municipal Airport.