-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao habang sugatan ang 19 iba pa matapos ang banggaan ng pampasaherong mini-bus at tricycle sa Calumpit, Bulacan.
Ayon sa Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, nangyari ang insidente sa isang tulay sa MacArthur Highway na nagresulta sa pagkahulog ng minibus sa tulay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nawalan ng preno ang driver ng modern jeep na patungo sana sa Apalit.
Iniwasan niya ang sasakyan na kaniyang nakasalubong subalit nahagip pa rin ang tricycle.
Pito sa mga sugatang biktima ay estudyante ng Bulacan State University na dinala ang mga ito sa pagamutan.
Hawak na ng otoridad ang driver ng mini-bus habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.