CAGAYAN DE ORO CITY – Nalungkot ang liderato ng Philippine Army na nalagasan sila ng isang kasamahan at dalawa pa ang sugatan na ginagamot sa Camp Edilberto Evangelista Station Hospital ng Cagayan de Oro City.
Kaugnay ito sa magkasunod na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng 103rd Infantry Brigade,Philippine Army at natitira na mga kasapi ng Dawlah Islamiyah- Maute Group na pinamunuan ng isang alyas Usman sa Bararangay Kalanganan,Piagapo,Lanao del Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na bagamat na-neutralized ng 44 IB at 8th Scour Ranger Company ang isa sa mga terorista subalit nalagasan rin sila ng isang magigiting na sundalo at sumugat ng dalawa pa.
Bagamat,naniwala ang militar na marami sa mga terorista ang sugatan habang patakas sa area dahil sa ilang mga baril ang naiwan sa encounter site.
Sinabi ni Dema-ala na nasa piling ng kanyang pamilya na ang isang sa army corporal na nagbuhis-buhay para matugis lang ang kilabot na grupo na naghahasik kaguluhan sa probinsya.
Nakompiska mula sa mga tumakas na mga rebelde ng tig-isang M-14 AT M-16 rifles; klase-klaseng mga magazines at assorted ammunitions at improvised explosive device.
Napag-alaman na ang DM-MG ay ang tira-tira ng teroristang Maute-ISIS na dating nagtangka okupahin ng Marawi City subalit pinulbos ang mga ito ng husto noong sumiklab ang limang buwan na engkuwentro sa utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.