NAGA CITY – Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang dalawa pa sa karambola ng isang truck at dalawang tricycle sa Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Niceto Eva Nocus, 62; Marilou Canoy, 47; Ernie Par, 42; Vincent Labso, 35; at Agnes Magdaluyo, 29.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang sakay ng kaniyang tricycle si Par, dito na ito nabundol ng truck na minamaneho ng suspek na kinilalang si Jevsle Reyes, 28-anyos ng Catbalogan, Samar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nawalan ng preno ang minamanehong truck ni Reyes.
Dahil sa insidente, napag-alaman na dead on the spot sina Par at Nocus habang sugatan naman sina Canoy at Magdaluyo habang hindi naman nasaktan sa insidente si Labso.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.