VIGAN CITY – Dalawa ang patay at dalawa ang sugatan sa nangyari pananaga at pananaksak sa isang pamilya sa bayan ng Cabugao sa Ilocos Sur.
Nakilala ang dalawang namatay na sina Demetrio Sevilleja, 44-anyos at Michael Sevilleja, 23-anyos at sugatan naman sina Didi Sevilleja, 49-anyos at Melvin Sevilleja, 24- anyos at residente ng Sitio Ulayos, Brgy. Catucdaan, Cabugao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Michelle Sevilleja, nagulat nalamang ang mga ito ng biglang sumigaw ang kanyang kapatid na si Michael na pinagtataga at pinagsasaksak umuno ni Michael Gaspar.
Aniya, pagkatapos ng suspek na patayin ang kanilang ama ay sumugod ito sa kanilang tahanan at sumunod na tinaga at sinaksak ang kanyang kuyang si Michael.
Nagawang makatakbo ni Michelle at kanyang ina para makahingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.
Patuloy na pinaghahanp ng mga otoridad ang tumakas na suspek at narekobre sa crime scene ang bolo at kutsilyong ginamit sa pangyayari.