-- Advertisements --

LA UNION – Nagpapatuloy pa rin sa pagsisiyasat ang pulisya sa nangyaring pagtagilid ng isang dump truck na ikinamatay ng dawalang sakay nito sa kalsada sa bulubunduking bahagi ng Barangay Dagup sa bayan ng Bagulin, La Union.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bagulin Police, nawalan umano sa kontrol ng pagmamaneho ang truck driver na si Harold Castro nang makarating ang naturang sasakyan sa palikong bahagi ng kalsada.

Tumagilid umano sa gilid ng kalsada ang truck at tumilapon ang ilang pasahero nito.

Dead on arrival sa ospital ang dalawang pasahero na nakilala na si Gamie Rimando, 28, residente ng Barangay Liaoc Sur, Naguilian, La Union at ang isa pang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nasa pagamutan pa ang nasabing driver at ang isa pang pahinente nito na nagtamo nga sugat sa katawan.