CENTRAL MINDANAO-Rido o alitan sa pamilya ang ugat sa pamamaril sa anak ng alkalde at dating Gobernador sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang nasawi na sina Datu Naga Mitra Mangudadatu,anak ni Lutayan Sultan Kudarat Mayor Datu Pax Mangudadatu na dating Gobernador ng probinsya at Dennis Hadji Taob.
Sugatan naman sa pamamaril sina Watari Kalim at isang menor de edad.
Ayon kay Sultan Kudarat PNP Deputy Provincial Director for Operations Lieutenant Colonel Lino Capellan nasa loob ng kanilang pwesto sa Lutayan public market ang apat na mga biktima nang may biglang dumating na pick-up sakay ang mga suspek at saka sila nilapitan at pinagbabaril gamit ang M14 at M16 armalite rifles.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Tacur ong City.
Ang mga sugatan ay dinala sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay si Mangudadatu habang binawian rin ng buhay si Taob habang ginagamot.
Samantala sina Kalim at isang menor de edad ay nasa ligtas ng kalagayan.
matatandaan tumakbo noong May 9 election si Datu Naga Mangudadatu bilang Vice Mayor sa Mangudadatu, Maguindanao Del Sur.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng Lutayan PNP sa pamamaril sa mga biktima.