-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Mandazo, Basud Camarines Norte.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo ni Arnold De los Reyes, 45-anyos kasama ang backrider na si Kenneth Napone 18-anyos ang kalsada sa nasabing lugar ng bigla itong magover-take sa sinusundan nitong sasakyan.

Ngunit pagbalik nito sa sa kanyang linya, bigla itong sumalpok sa kasalubong na motosiklo na minamaneho naman ni Mario De los Santos kasama ang backrider na si Darwin Barotcha.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang nasabing mga indibidwal na agad naman na dinala sa ospital.

Subalit, dahil sa malalang tama, idineklarang dead on arrival ng mga doktor si De los Reyes at si Barotcha.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.