-- Advertisements --

FLORIDA, USA – Dalawa na ang kumpirmadong patay sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang billiard club sa Hialeah, Florida sa Amerika.

Batay sa report ni Miami-Dade police director Alfredo Ramirez III, isang puting Nissan Pathfinder ang nakita malapit sa lugar dakong alas-12:00 hanggang ala-1:00 ng umaga.

Tatlong armadong indibidwal daw ang nakitang lumabas ng sasakyan at nagpaputok ng baril sa loob ng establisyemento.

Ayon sa ulat, may concert o pagtitipon sa nasabing lugar nang mangyari ang pamamaril.

Bukod sa dalawang namatay, tinatayang higit 20 indibidwal ang sugatan sa nangyari.

“These are cold blooded murderers that shot indiscriminately into a crowd and we will seek justice… My deepest condolences to the family of the victims,” ani Ramirez sa kanyang social media post.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente. (CNN)