-- Advertisements --

LA UNION – Dead on the spot ang dalawang pasahero sa nangyaring head on collision ng dalawang air-conditioned bus sa Brgy. Santa Fe, Agoo, La Union dakong alas-5:45 kaninang madaling araw.

Sa impormasyon mula sa Agoo Police Station, nabatid na parehong binabagtas ng mga bus ang McArthur highway sa magkasalungat na direksyon nang biglang mag-overtake ang Partas bus hanggang sumalpok sa nakasalubong na Dominion bus.

Dahil dito, kaagad na binawian ng buhay ang mga pasahero ng Dominion bus na nakilalang sina Marlon Tumbaga, 43, taga-San Fernando City at John Rey Brioso, 23, ng San Antonio, Naguilian, habang itinakbo sa iba’t ibang pagamutan sa lalawigan ang 23 sugatan.

Ang dalawang nasawi ay nakaupo sa likod ng driver’s seat.

Nabatid na patungo sana ng Cubao ang Partas bus habang ang Dominion bus ay pauwi ng Vigan City.

Sa ngayon hawak na ng Agoo Police Station ang dalawang driver na sina Constantino Salardon, 42, ng Pilar, Abra (Partas) at Rodel Tara, 43, ng Sto. Domingo, Ilocos Sur.