-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagkalasog-lasog ang katawan ng dalawang katao na nasawi at 26 ang sugatan sa vehicular accident sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Akraman Aluyudan,43 anyos,may asawa at Huyaan Mamir ,27,binata,mga magsasaka at kapwa residente ng Brgy Giling Alamada North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na habang lulan ang mga biktima sa isang Isuzu Elf truck mula sa bayan ng Alamada patungong Brgy Amas Kidapawan City.

Ngunit pagsapit ng mga biktima sa Barangay Nalapaan Pikit Cotabato ay biglang nag-overtake ang driver ng Elf truck sa sinusundan nitong motorsiklo.

Ngunit biglang kinabig ng driver na si Esmael Tambag ang manobela ng elf truck dahil may isa pang motorsiklo na kasalubong nito.

Dahil sa biglang pagpihit ng preno at pag-iwas ng elf truck ay gumiwang-giwang ito at natumba sa gilid ng kalsada.

Patay on the spot ang mga biktima nang maipit ito sa sasakyan at agad namang naisugod sa pagamutan ang mga sugatan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa naturang pangyayari.