LAOAG CITY – Patay ang dalawang katao at tatlo ang sugatan matapos silang tamaan ng kidlat sa Barangay Tartarabang sa bayan ng Pinili.
Ayon kay Police Senior Master Sergeant Noel Gamit, ang chief investigator ng PNP-Pinili, ang dalawang namatay ay isang menor de edad at isang 35-anyos.
Sinabi ni Gamit na kaninang umaga ay sinamantala ng higit 10 katao ang pagbuhos ng ulan para magtanim ng palay ngunit bigla na lamang tumama ang malakas na kidlat sa mga ito.
Agad itinakbo sa Rural Health Unit (RHU) ang mga biktima ngunit dahil naka-isolate rin ang mga empleyado ay naisugod ang mga ito sa isang pribadong ospital.
Ganunpaman, dalawa sa mga biktima ay idineklarang dead on arrival habang ang tatlo pang biktima ay nagtamo ng sugat sa paa at dibdib.
Nabatid na tatlo sa mga limang biktima ay magkakapatid ngunit isa sa mga ito ay namatay.
Samantala, ito umano ang unang kaso na may tinamaan ng kidlat sa nasabing bayan ngayong taon.