-- Advertisements --

Patay ang dalawang tulak ng droga habang tatlong kasamahan nila ang sugatan sa naganap na anti-drug operations ng mga kapulisan sa Bacoor City, Cavite.

Ang mga napatay na sina Leonard Imas at Narcisso Briggs ay siyang target ng operasyon.

Sinabi ni Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police, na ilang linggo nilang minanmanan ang nasabing grupo dahil sa palipat-lipat ang mga ito ng lugar.

Matapos na maikasa ang operasyon ay bigla na lamang nanlaban ang mga suspek.

Ang mga tatlong naaresto ay sinasabing parokyano ng mga suspek na naaktuhan ng mga kapulisan.