-- Advertisements --

CEBU – Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng isang 22-anyos na mechanical engineering student matapos na inararo ang limang katao, apat nito ang sakay sa motorsiklo at isa ang pedestrian.

Kinilala ang mga namatay na sina Rodrigo Abapo, Jr., at Ronnie Taneo, 32 taong gulang, isang professional teacher.

Habang nagpapagaling naman sa ospital sina Carlito Balobo Entoma, 29 taong gulang, at ang backrider nito na si Shiela Mae Gabito Capul, 19 taong gulang.

Ang suspek na drayber naman ng SUV ay kinilalang si Christian Joshua Abrasaldo, 22 taong gulang, isang mechanical engineering student.

Inihayag ni Police Chief Master Sergeant Diosdado Parejas, ang police investigator ng Sawang Calero Police Station, na unang binangga ng SUV ang isang pedestrian na si Jelon Ababon, 55 taong gulang, ngunit imbes na huminto ay humarurot ito ng takbo kung saan nagresulta sa pagbangga nito sa apat na katao sakay sa dalawang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, diumano’y galing ang suspek sa isang birthday party kaya ito’y naka-inom ng alak.

Kasong reckless reckless imprudence resulting to double homicide, damage to property with multiple physical injuries, ang haharapin ng suspek.

Nabatid na hindi rin nakipag-settle ang pamilya ng namatay na guro kaya patuloy ang kaso laban sa nasabing drayber ng SUV.