-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nagpapagaling na sa ospital ang tatlong nasugatan kabilang ang isang pulis sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Brgy. Taggat, Claveria, Cagayan.

Kinilala ni P/SSgt. Francis Tamayo ng PNP Claveria ang mga namatay na sina Joselito Unida at Ramon Basilio, kapwa construction worker sa nasabing lugar.

Sugatan naman sina P/MSgt. Jomel Alejandro at kanyang kasama na si Jessa Pasion at Marvin Andrade na kasama ng dalawang nasawi.

Sinabi ni Tamayo, sa kanilang imbestigasyon, mabilis at pagewang-gewang umano ang sasakyan ng mga biktima hanggang sa mapunta sa kabilang linya ng kalsada kaya sumalpok sa sasakyan ng pulis.

Ayon sa kanya, nakainom umano ng alak ang mga sakay ng mga biktima.

Galing umano ang pulis ay ang kanyang kasama sa Ilocos habang ang mga nasawi ay galing nang Centro, Claveria.

Sinabi pa ni Tamayo na nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng mga namatay para kunin ang kanilang mga bangkay.

Nabatid na tubong Pasig City si Basilio habang taga-Cainta, Rizal naman si Unida.