-- Advertisements --
Patay ang dalawang pasahero ng train matapos na ito ay madiskaril sa Coimbra, Portuguese.
Papuntang norte ang nasabing tren ng ito ay bumangga sa railway maintenance machine.
Nagresulta rin ang aksidente sa pagkasugat ng 30 iba pang pasahero.
Mayroong kabuuang 240 pasahero ang Alfa Pendular train ng siyang itinuturing na pinakamabilis na train sa portugal.
Umabot rin sa 163 na rescue personnel ang kanilang ipinakalat para iligtas ang mga naipit na pasahero.