-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang katao habang apat ang kritikal sa banggaan ng Pabama bus at motor sidecar sa Barangay Kabulawan, Lagonglong, Misamis Oriental.

Sinabi ni Lagonglong municipal police station commander Capt. Marlou Lañoso na biglang nag u-turn ang motor sidecar na minamaneho ni Efren Cabigon, taga-Riverside Salay, Misamis Oriental kaya’t nasagasaan ng bus na minamaneho naman ni Raymond Mendoza, 48, at residente sa Gingoog City na nagresulta sa aksidente.

Dead on the spot ang driver na si Cabigon habang binawian naman ng buhay sa ospital si Anecita Juridico, 50, na taga Davao City.

Patuloy pang ginagamot sa ospital ang ibang tatlo pa na mga pasahero ng motor sidecar.

Ayon kay Capt. Lañoso inihahanda na nila ang kaso na isasampa laban sa bus driver na si Mendoza.