DIPOLOG CITY – Inihahanda na ng PNP ang kasong isasampa laban sa drayber ng Ford Ranger na nakabangga sa isang military jeep na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang katao at pagkasugat naman ng apat na iba pa sa Brgy. Camanga, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang suspek na si Alfredo Tagala Jr. 26, residente sa bayan ng Buug sa nasabing probinsya.
Ang mga nasawing biktima ay natukoy namang sina Aiza Maghuyop, 22, at Rodel Omania 25, habang patuloy namang nilalapatan ng gamot ang driver at tatlong iba pa na pawang mga sakay ng jeep.
Ayon kav PCpl. Joeffrey Linga, traffic investigator ng Dumalinao PNP sa panayam ng Star FM Dipolog, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injury at damage property umano ang kasong isasampa laban kay Tagalan.
Una rito, galing umanong Kumalarang at papunta sa bayan ng Margosatubig ang jeep upang maghatid ng pasyente ng mabangga ito ng kasalubong na Ford ranger.
Dahil sa lakas ng impact ay nahulog ang jeep sa bangin na may lalim na 2 metro matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber dahilan na nagtamo ng malubhang sugat ang limang mga sakay nito.
Sa ngayon ay temporaryong nakadetain sa Dumalinao Municipal Police Station ang drayber na suspek.