-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Isang pulis at driver ang nasawi sa pagsabog ng bomba sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao nitong Huwebes ng gabi.
Apat naman ang sugatan na nakilala lamang sa mga pangalan na sina alyas Mangrag, Domingo, Peria at Amoran na ginagamot ngayon sa Maguindanao Provincial Hospital.
Ayon sa inisyal na ulat ng Shariff Aguak PNP, sakay umano ang mga pulis ng kanilang patrol car kasama si Major Erwin Tabora ng Provincial Drug Enforcement nang sumabog ang bomba sa gilid ng kalsada.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Maguindanao PNP sa pagsabog.