Nauwi sa madugong insidente ng komosyon ang sana ay matiwasay na pagdaraos ng halalan sa Barangay Bugawas sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kung saan nag-iwan ng dalawang patay at limang sugatan ang nangyaring gulo.
Sa naging panayam ng Star FM Cotabato kay Barangay Captain Abdulmain Abas, nasa pagitan ng alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga nangyari ang insidente.
Mahigit sa 400 ang mga botante na nag-aabang sa polling precinct ang nagulantang nang biglang may dumating na itim na Hilux at ng magkaroon ng komosyon, dito na nagsimula ang pamamaril ng mga armadong indibidwal.
Pinaniniwalaan ng kapitan na galing sa magkakalabang grupo ngayong eleksyon ang nga nasabing suspek.
Nauna na ring kinumpirma ni DOS Chief of Police Lt. Col. Esmael Madin ang nasabing insidente.
Nangyari ang madugong pangyayari, ilang oras bago magbukas ang mga presinto para sa halalang pambarangay.
Sa kabila nito, elections as usual pa rin at normal pa rin naman ang situasyon ng halalan sa nasabing barangay at lugar.