Pumalo na sa dalawang katao ang nasawi habang lima ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa loob ng Florida State University.
Ayon kay FSU Chief of Police Jason Trumbower na kanilang naaresto ang suspek matapos na ito ay mabaril din ng kapulisan na rumesponde at ito ay nagpapagaling na sa pagamutan.
Kinilala ang suspek na si Phoenix Ikner , 20-anyos at anak ng isang Leon County sheriff deputy.
Base imbestigasyon ng mga otoridad na mayroong baril ang suspek na maaring kinuha niya sa pinagtatrabuhan ng ina sa Leon County Sheriff’s Office.
Naging malapit na umano ang suspek sa nasabing opisina kung saan kabilang din ito sa training programs ng Leon County Sheriff office.
Nakuhanan ng isang handgun ang suspek at isa pang shotgun sa student union office at nakitaan pa ng isang baril sa sasakyan ng suspek.
Inaalam pa rin ng mga otoridad ang pinakamotibo ng suspek sa nasabing pamamaril.
Dahil sa insidente ay kinansela na nila ang pasok at mga aktibidad ng hanggang dalawang araw.
Tiniyak naman ni Florida State University community, President Richard McCullough na kanilang bibigyan ng tulong ang mga nasawi at sugatang biktima.
Ang Florida State University’s Tallahassee campus ay mayroong mahigit na 42,000 na estudyante.