-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawang katao ang patay habang isa ang nadala naman sa ospital matapos madaganannga rumaragasang putik kahapon sa Diversion Road, Brgy. Tubo-Tubo, bayan ng Cagwait, Surigao del Sur.

Napag-alamang naghahakot lamang ng lupa ang mga biktima sa gilirang bahagi ng kino-construct pang evacuation center na patungong Cagwait Beach.

Bigla na lang naganap ang landslide kungsaan natabunan kungsaan ang isa sa mga biktima ay nakilalang si Danny Olaer, residente ng Purok Ipil-Ipil, ng nasabing barangay.

Ang iilang araw na pag-ulan ay syang nakitang dahilan sa naturang landslide.