CENTRAL MINDANAO-Nag-imbestiga na ang Land Transportation Office (LTO-12) at pulisya sa madugong aksidente sa daan sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Liana Joyce Noble, 5 anyos at Ellen Mae Bejarin, 22-anyos.
Sugatan naman sina Jenrick Mejos, 24 anyos, Dailyn Mejos, 25, Geraldine Mejos, 27, Welmer Mejos, 45, Mateo Enerlan,50, Maritess Enerlan, 44, Joshua Enerlan,18, Honey Claire Abellar,15, Steven Clark Bejarin, 20, Sharon Rose V. Conda, 35, Ledia Viscayno,59, Hermenio Pastolero, 54, Marcus Jared Conda, 6 ka tuig ang pangidaron at Shandra Noble,3,mga residente ng Libungan North Cotabato.
Ayon ka Alamada Chief of Police,Major Sunny Leoncito na lulan ang mga biktima sa isang Isuzu Jitney sa Sitio Guo Barangay Guiling Alamada Cotabato.
Paakyat ang sasakyan sa matarik na kalsada ng biglang pumalya ang makina, umatras at nawalan nang preno.
HIndi na nakontrola ng driver na si Robinson Casilagan ang manibela kaya bumaliktad ito ng dalawang beses.
Nagtulungan ang mga residente sa gilid ng kalsada at dinala ang mga biktima sa Alamada District Hospital ngunit dalawa ang binawian ng buhay.
Nag-imbestiga na ang LTO-12 at PNP kung overload ang sasakyan,pumutok ang preno o kaya may kapabayaan sa driver.